Suplado Story #6

10/01/2011 stanleychi 0 Comments



Suplado Story #6

Walang Utang na loob!

May mga pagkakataong darating sa buhay natin na tutulong tayo sa kapwa , o kaya naman ay makikilala mo ang isang tao na matutulungan mo pala pag dating ng araw.  Tulad nalang ng dati kong nakilala sa trabaho, tawagin natin siyang si Mr. Utang.
 
Si Mr. Utang ay may kaya, medyo may kayabangan, at credit-grabber.  Ngunit pilit kong inintindi ang ugali niya.
 
Nung minsan ay lumapit sa akin si Mr. Utang at humingi siya ng tulong sa akin sa isang project na hindi niya kayang gawin, muntik na siyang sumabit sa trabaho at malapit nang buminggo sa boss namin.  Kaya naman nag-overtime ako at nagpuyat para matulungan ang aking ka-opisina. 
 
Kina-umagahan ay  natapos na ang presentation at na-approve ang project ni Mr. Utang.  Pinuri siya ng boss namin at natuwa ang client namin sa kanya.  Sabi ni boss “Good job Mr. Utang, ikaw lang ba ang nagpuyat para sa presentation?”  Humirit si Mr. Utang ng, “Yes sir, ako lang po.”  Nagulat ako sa sinabi niya, pinalipas ko lang pero sa isip ko, “Langhiya ka, matapos kitang tulungan yan pa ang ihihirit mo sa harapan ko!”
 
Pagkalipas ng ilang araw may bagong presentation na kailangang tapusin si Mr. Utang, as usual sasabit nanaman ang loko at humingi ng tulong sa akin.  Hindi ako nakapag-pigil at hiniritan ko siya ng, “Kayang kaya mo namang tapusin lahat ng deadlines mag-isa eh, bakit ka pa humihingi ng tulong?”  Sabay walk out!  Narinig ng boss namin at sinabing “Oo nga naman Mr. Utang, kayang kaya mo yan!”
 
Nagpuyat si Mr. Utang pero hindi niya natapos ang presentation, napahiya siya sa boss at sa client namin at makalipas ang ilang araw ay wala na ang kanyang mga gamit sa kanyang cubicle.  Hindi ko na rin siya nakitang pumasok sa opsina namin.

SUPLADONG MORAL LESSON:

Huwag maging credit-grabber,  Dahil mabubuking ka din!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!