Supladong October

9/30/2011 stanleychi 0 Comments



Supladong October

September 2011 was a busy month, but that doesn’t mean that I can forget our monthly Suplado updates.  Here are my Suplado Tips for the month of October 2011:

1. Kung may bagyo, malakas ang ulan at hangin, mataas pa ang baha tapos may nagtanong ng... "May bagyo ba?" Hiritan mo ng... "Wala, guni-guni mo lang yan!" Sabay alis!

2. Kung madaming nagrereklamo sa bagong Facebook, hiritan mo ng... "Kung reklamo ka ng reklamo bumalik ka nalang sa Friendster!"

3. Kung kaka-online mo lang sa Facebook at biglang may nakipag-chat sayo at sinabing "Musta na?" replyan mo ng "Kung wala kang ka-chat sa Facebook, huwag mo akong istorbohin... Halatang palagi mong chine-check kung sino ang online!" Sabay offline!

4. Kung nakaka-inis na ang mga comment ng kakilala mo sa bawat post mo sa Facebook, huwag mo siyang pansinin at huwag mo din siyang i-delete or i-ban. Magpost ka lang ng magpost dahil lagi ka niyang iniisip at umiikot ang mundo niya sayo!

5. Kung parinig ng parinig ang ka-officemate mo sa Facebook, humirit ka ng... "Matapang ka lang pag nasa harap ka ng computer eh!" Sabay walk out!

 

Mga Supladong Hirit ng Stanley Chi:

1. Kung sino ang manager sa office siya pa ang insecure, ok lang yan. Ibig sabihin threat ka sa kanya kaya siya naiinsecure at baka bukas ikaw na ang magiging boss niya!

2. Kung may naninira sayo sa office, ok lang yan... Ibig sabihin lagi ka nilang iniisip at naiinggit sila sayo!

3. Ang taong INGGIT, Walang humpay kung MAKALAIT!

 

Suplado Sayings:

Ang Suplado simple lang, pero malakas ang dating!

 

Suplado Reader of the month:

Raymund and Jean Chua from USA

Supladong October

Jennyson, Alma, Annabel, & Jing of PBB Binondo Branch

Supladong October

Suplada of the month:

Grace Padaca

(Former Isabela Governor)

Supladong October

0 comments:

Have anything to share? Do it here!