SUPLADO STORY #5

9/13/2011 stanleychi 0 Comments



SUPLADO STORY # 5

Hindi ako makikisama sayo, ikaw ang makikisama sa akin!

Minsan may mga pagkakataong makakakilala ka ng isang epal na K.I.A. o “Know It All” sa mga opisina, may mga feeling creative, at nagmamagaling din.  Tulad nalang ng dati kong ka-opisina na napaka-insecure at super competitive lalo na pag dating sa trabaho, tawagin natin siyang Mr. Kups.

Nung minsan ay napansin ko na ang kakaibang ugali ni Mr. Kups.

Binigyan ako ng job order ng aming account executive at maayos na pinagawa sa aming dalawa ang project,  bilang isang empleyado kailangan kong makisama sa ka-opisina ko kaya sinabi ko sa kanya na “Partners pala tayo sa project na ito!”  Hiniritan niya ako ng, “Hindi ako papartner sayo, ikaw ang pumartner sa akin!”  Tiningnan ko siya ng masama at tumahimik pero sa isip ko, “Babawi rin ako sayo!”

Pinakisamahan ko siya ng maayos at natapos ang project.  After a few months nagresign na rin ako dahil gusto kong umasenso at makalipat sa mas malaking kumpanya. 

Pagkalipas ng ilang linggo ay nakahanap nako ng bagong opisina, maganda ang benefits, malaking sweldo at mas mataas na posisyon.  Pero hindi ko inaasahan na makikita ko pa ang ka-opisina kong si Mr. Kups: siya ang isa sa mga aplikanteng iinterviewhin ko sa araw na yun para maging assistant ko! 

Unang tanong sa interview: Describe yourself.  Ang sinagot ni Mr. Kups… “I’m a team player, partners naman tayo dati di ba Stan?”  Hiniritan ko siya ng… “Hindi ako papartner sayo, ikaw ang pumartner sa akin!  That is, IF matatanggap ka – and that’s Mr. Chi to you!” 

SUPLADONG MORAL LESSON:   

Umiikot lang ang mundo, gantihan lang yan!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!