SUPLADO STORY #4

9/12/2011 stanleychi 2 Comments



Nakaka-intindi ka ba ng Tagalog?

Nakaka-intindi ka ba ng Tagalog?

Madalas akong may nakakausap na nakaka-inis, makulit at nagtatanong ng mga walang kwentang tanong, kadalasan ang mga tanong nila paulit-ulit na parang nanghuhuli o sadyang hindi lang sila nagbabasa o nakikinig ng mabuti. 

But let’s give them the benefit of the doubt.

Nag-email ako minsan sa mga kakilala ko at nag-announce sa Facebook at Twitter, Malinaw na malinaw kung kelan, anong oras, at saan ang lugar ng event.  Pero may mga nagtatanong pa rin ng “Anong oras po yung event?”, “Saan po gagawin?”, at ang pinaka-matindi ay yung nagtanong ng “Tuloy ba ang event?” 

But I don’t want to waste my time.

Hindi na ako nagrereply at lalong ayoko nang patulan ang mga taong kagaya nila, kung hindi ako nagreply ibig sabihin nun basahin niyo yung announcement sa email, Facebook, Twitter, or text.  Minsan nang nangyari na may nagtanong sa akin tungkol sa isang bagay na kakasabi ko lang hindi ko napigilan at hiniritan ko siya ng… “Nakaka-intindi ka ba ng Tagalog?”  Sabay walk out!    

SUPLADONG MORAL LESSON:

Matutong magbasa at huwag magtanong ng stupid questions.

2 comments:

Have anything to share? Do it here!