Suplado Tips for the month of September

9/01/2011 stanleychi 6 Comments



Suplado Tips for the month of September

I can’t think of a better way to start September than to do so with some Suplado Tips.

1. Kung hindi ka rin lang naman na-appreciate ng boss mo, umabsent ka nalang muna sa office at huwag magrereply sa mga tawag at text niya!

2. Kung may kausap kang tanga, huwag mo nang patulan pero humirit ka ng... "Kung magpapatayo ako ng ospital para sa mga tanga, siguradong yayaman ako!" Sabay talikod at walk out!

3. Kung nanonood kayo ng wrestling at panay ang reklamo ng kasama niyo dahil natalo ang kinakampihan niya hiritan mo ng... "Huwag ka nang magreklamo scripted yan!" sabay alis!

4. Kung ininterview ka ng potential employer mo at nakikipagtawaran siya sa sweldo mo hiritan mo ng... "If you can't afford me, don't hire me!" Sabay walk out!

5. Maraming taong nagpaparinig sa Facebook, ok lang yan dahil hanggang parinig lang sila at hindi ka nila kayang i-confront ng harapan. Mas lalo mo pang galingan at humirit ka ng... "Yung iba dyan hanggang parinig lang, wala naman kayang gawin!"

6. Kung nanood kayo ng sine at maganda naman yung pinanood niyo, may isang eepal na magsasabing hindi maganda yung pelikula, hiritan niyo siya ng... "Talaga bang opinyon mo yan o nagbasa ka lang ng movie review sa internet kaya sinasabi mo yan sa amin para magmukha kang matalino?" Sabay walk out!

Mga Supladong Hirit ni Stanley Chi:

1. Wala yan sa tatak ng damit mo... Nasa nagdadala yan!

2. Kung wala kang overtime pay at kinakaltasan ka pa ng sweldo kapag nale-late ka... Abuso na ang tawag dyan!

Suplado Sayings:

Ang SUPLADO... Tahimik pero Matinik!

Suplado Reader of the month:

Charles Sampaga

Suplado Reader of the month: Charles Sampaga

Suplado Testimonial of the Month:

Dahil sa Suplado Tips, naging malakas ang loob ko. 

Salamat sa Suplado Tips ni Sir Stanley!

PS:CHE!

-Marmandy Abadilla

6 comments:

  1. daming raket ;-) ikaw na ang suplado!

    ReplyDelete
  2. Dahil sa Suplado Tips, naging malakas ang loob ko.

    Salamat sa Suplado Tips ni Sir Stanley!

    PS:CHE!

    -Marmandy Abadilla


    late ko nakita ko sensei pero salamat ng marami.


    ps:TSE!

    ReplyDelete
  3. Dahil sa Suplado Tips, naging malakas ang loob ko.

    Salamat sa Suplado Tips ni Sir Stanley!

    PS:CHE!

    -Marmandy Abadilla

    late ko nakita to pero salamat ng marami sensei.



    ps:TSE!

    ReplyDelete
  4. @ Klit: Salamat! :)
    @ Marmandy: Ayos lang, apir! :)

    ReplyDelete
  5. ikaw talaga ang dapat tingalain pagdating sa pagsusuplado, more power sir stanley

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!