Suplado Tips for the month of August

8/01/2011 stanleychi 2 Comments



Here are some Suplado tips when you’re commuting (Jeep, Taxi, LRT, MRT, and FX):

1. Kung nakasakay ka sa fx at may umaalingasaw na amoy dahil kumakain ang katabi mo, humirit ka ng... "Kain ka ng kain, hindi ka nang-aalok!"

2. Kung siksikan sa MRT at may nakasakay na maarte, humirit ka ng... "Kung ayaw mo ng siksikan, mag taxi ka!"

3. Kung nakalimutan kang suklian ng jeepney driver, humirit ka ng... "Manong yung sukli ko, pati ba naman ako iistylan mo ng ganyan!" Sabay para pagka-kuha mo ng sukli!

4. Kung hindi ka sinuklian ng tama ng taxi driver dahil wala siyang barya, hiritan mo siya ng... "Ang bilis na nga ng metro mo wala ka pang panukli, ang garapal mo naman!" Sabay labas ng taxi at isara ng mahina ang pinto para lumabas ang driver at isara uli ang pinto ng taxi.

Suplado Tips in the office:

1. Kung may kapalpakan na ginawa ang officemate mo at nagpapalusot pa siya, humirit ka ng... "Puro ka palusot, kung alam mong mali ka gawan mo nalang ng paraan!"

2. Kung merong kang ka-officemate o boss na joke ng joke at yung mga joke niya narinig mo na sa mga kakilala mo o napanood mo na sa tv, humirit ka ng... "Mas matanda pa sa lolo mo yang joke na yan eh!" Sabay walk out!

3. Kung may favoritism ang boss mo at ikaw ang pinagiinitan sa office humirit ka ng... "Hindi kasi ako marunong sumipsip eh" Sabay walk out tapos mag-half day ka para makonsensya ang boss mo!

Supladong Hirit of the month:

Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan... Suplado!

Featured reader of the month:

Merlin

Suplado reader of the month: Merlin

Suplado Testimonial of the month:

“Thanks master stan. kaw inspirasyon ko eh.” – Edmond Olaes

2 comments:

Have anything to share? Do it here!