Suplado Story: Watching TV

8/10/2011 stanleychi 0 Comments



Suplado Story: Watching TV

Mahilig akong manood ng tv, pero ang nakakainis eh yung pag nanonood ka at may tanong ng tanong sayo kung ano nangyayari sa telenovelang pinapanood nila, kung narinig mo ba yung sinabi nung character na nagsasalita, kung ano yung nasa balita at kung sino yung sinasabi sa blind item ng showbiz news.  Ok lang magpalipat-lipat ng channel dahil lahat tayo nagcha-channel surfing, kailangan aware din tayo sa mga nangyayari sa ibang networks at pag masyadong matagal ang commercial sa tv.  Pero ang pinaka-nakakainis eh yung kapag may matinding dialogue na bibitawan yung character na nagsasalita eh bigla kang kakausapin ng kasama mo, at out of the blue may topic na itatanong sayo na wala namang kinalaman sa pinapanood niyo.  Nung ginawa sakin yun, tiningnan ko ng masama yung kasama ko at pinatay nalang ang tv sabay walk out!  Dahil nawalan na ako ng gana manood, nagpakwento na rin lang ako sa kakilala kong nanood din ng programang yun, at kung wala akong kakilala na nanood nun iisipin ko nalang na mananalo ang bida sa huli para happy ending… Che! 

Suplado Tip:

Kung nakabukas ang tv niyo at panay ang tanong sayo ng kasama mo kung ano na ang nangyayari sa kwento, humirit ka ng... "Naka-bukas nga ang tv, hindi ka naman nanonood!" Sabay patay ng tv at walk out!

0 comments:

Have anything to share? Do it here!