Suplado Story: Laglagan

8/12/2011 stanleychi 4 Comments



Suplado Story: Laglagan

Isa sa mga pinaka-kinaiinisan ko yung laglagan sa opisina.  Palaging merong officemate na walang paninindigan at bigla nalang maninisi kapag nagkagipitan na, bibida sa boss at magpapa-pansin, eepal kapag nakitang maganda ang ginagawa mo at makiki-sawsaw para naman kasama siya sa credit.  Pero kapag may pumalpak, hindi ka lang sisisihin, kapag nakatalikod ka ikukwento pa yung kapalpakan na ginawa mo sa iba.  Iwas pusoy kumbaga, maraming beses nang nangyari ito at nung napuno na ako nagsuplado na ako, nagparinig ako ng… “Sana kung maganda ang kalalabasan nitong project na ito, walang makikisawsaw!  Kung sasabit ako huwag na sanang umepal ang iba dyan!”  Syempre kailangan nakangiti ako nung binitawan ko ang linyang yun para naman hindi makahalata ang ibang officemates ko.

Supladong Hirit:

Ang suplado, simple lang kung bumanat… Pero may laman!

4 comments:

  1. Arnie Manuel-TorresAugust 15, 2011 at 9:14 PM

    u hit the spot with that remark! =)

    ReplyDelete
  2. hahaahaa i like this!! will read your books for more of this. :)

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!