Suplado Story: Doing the dirty work

8/15/2011 stanleychi 4 Comments



Suplado Story: Doing the dirty work

Sa isang opisina meron talagang mga masisipag at meron ding tamad na hindi mo maaasahan.  Madalas kung sino yung tamad siya din yung magaling mamulitika at sipsip sa mga boss, “Kiss ass” kumbaga.  Puro “Yes sir” at panay ang credit grab pero pag sumabit, mangdadamay siya ng iba para wala sa kanya ang buong sisi.

Minsan nang nangyari ito sa amin ng mga ka-officemate ko, may epal kaming kasama na mas madaldal, mayabang at tamad kaya naman kami yung gumagawa ng ika nga “dirty work” at pag maayos na ang lahat bibida yung epal na ka-officemate para mag credit grab, o kung nakikita niyang patapos na ang trabaho magsu-suggest ito sa ginagawa namin para masabi niya na may ginawa din siya maliban sa magsalita, at maghintay na matapos namin ang trabaho.  Kaya nung hindi na kami makapag-pigil ng mga kasama namin sa office humirit na kami sa kanya ng “Marunong ka ba o nagmamarunong ka lang?”  Sabay iwan sa kanya ng trabaho para maranasan niya kung gaano kahirap ang ginagawa namin.

Supladong Moral Lesson:

Hindi porke’t sipsip ka kay boss, makakaligtas ka na sa trabaho!

4 comments:

  1. Arnie Manuel-TorresAugust 15, 2011 at 9:09 PM

    nice story Stanley! higher form pa yang sa work kasi on the least, sa school pa lang nangyayari na yan. sa isang group meron talagang mga tamad kumilos at basta na lang tatanggap ng papuri kapag natapos ang project kahit na wala silang participation! masarap silang soplakin sa mukha!

    ReplyDelete
  2. hahahaha.... may alam akong ganito....muntik ng katayin at ilitson.. hahahahaha... nice move sir stanley!...:D

    ReplyDelete

Have anything to share? Do it here!