Suplado at the workplace

8/08/2011 stanleychi 5 Comments



Suplado Tips at the workplace

I’ve been an employee for a long time in the advertising world and I always experience being bullied in the workplace, I wasn’t that suplado back then.  Looking back I wished I applied these Supladong hirit and Suplado Tips before handing my resignation letter.  Enjoy!

Mga Supladong Hirit ni Stanley Chi:

1. Tama na ang pag-reminisce ng weekend... Magtrabaho ka na!

2. ‎10 months a year lang nagtatrabaho ang mga empleyado sa Pilipinas, dahil may sick leave, vacation leave, public holidays, at bagyo... Idagdag mo pa yung mga late at absent kung tinatamad pumasok sa office!

3. Bayani ang tawag sa mga taong nag-oovertime sa office, kahit wala naman silang overtime pay!

4. Huwag magpaka-bayani sa office... Hindi kayo pagagawan ng rebulto ng mga boss niyo! Umuwi na kayo!

5. Huwag magyabang kung hindi mo kayang panindigan!

6. Kung gusto mong malaman kung magkano ang sweldo ng mga officemates mo, kaibiganin mo ang accountant ng office niyo!

Suplado Tips:

1. Kung maraming iuutos sayo ang boss mo at pa-isa isa pa, hiritan mo ng... "Ano nanaman ang iuutos mo sakin na kaya mo namang gawin mag-isa?" Sabay taas ng kilay at simangot para makonsensya ang boss mo!

2. Kung wala sa lugar humirit ang officemate mo, hiritan mo ng "Eepal ka nanaman dahil gusto mo bida ka!" Sabay tingin ng masama at walk out!

3. Kung absent ka na sa office dahil may bagyo at tinanong ka ng mga kasama mo sa bahay ng "Hindi ka pumasok sa office?" hiritan mo ng... "Kaya nga ako nandito eh, Ikaw kaya sumugod sa baha?" sabay taas ng kilay at walk out!

4. Maraming mayayabang sa office, ok lang yan huwag mo silang pansinin. Pero kapag sumabit siya sa trabaho, hiritan mo ng... "Hanggang salita ka lang pala eh"

5. Kung panay ang sabi ng ka-officemate mo na mag-reresign na siya, hiritan mo ng... "Hindi ako maniniwala hanggat wala akong nakikitang resignation letter!"

6. Kung panay ang reklamo ng ka-officemate mo sa trabaho, humirit ka ng... "Panay ang reklamo mo, tapos gagawin mo rin pala yung trabaho!"

5 comments:

Have anything to share? Do it here!